i held you at gunpoint

Poetry by | July 28, 2019

we are soldiers, right?
comrades, always there for each other

no one was watching us, right?
it was just you and me in the middle of the night

you said it would be quick, right?
your words were sweating behind my ears

you started leaning closer, right?
a little closer, a little closer

our lips touched for the first time, right?
those crusty, salty peaches bursting with flavor

i tasted your tongue, right?
it simmered with saliva, marinated in alcohol

your hands were all over me, right?
down my hair to my jaw to my neck to my

we peeled off our uniforms, right?
our clothes like shed skin, sinking to the floor

you pressed your chest against mine, right?
the warmth of your touch sent ripples down my spine

your hands slid beneath my trousers, right?
slowly unsheathing the loaded pistol

i held you at gunpoint, right?
you pulled the trigger inside your mouth

but we said we wanted this, right?
heavy breaths as white blood dripped on my skin

we are comrades, right?
tomorrow will just be another day


Julio Jacinto lives in Davao del Sur.

Moda

Nonfiction by | July 28, 2019

Ilang buwan ring busy-busyhan ang Fiona. Matapos kasi ang ilang linggong pagka-ospital ng nanay niya, inuwi nila ito sa bahay. Comatose pa rin. At ang Fiona ang nasa frontline ng pag-aalaga.

“Takot kasi sila magpakain,” sabi nya.

Sa ospital pa lang kasi, nasanay na si Fiona sa pag-aalaga sa kanyang ina.

“Kapag may parang kumukulo sa tiyan nya, ibig sabihin non nakarating ang food na dinaan sa tubo,” sabi nya.

Sya rin ang taga-linis ng lahat ng dumi, taga-tanggal ng laway, taga-punas, taga-bihis, taga-paypay.

At dahil di na nga kami gaanong nagkikita dahil minsan na lang itong umuwi ng bahay, hanggang text na lang kami.

“Kabado na ako, parang this is the moment na talaga,” text nya sa akin kagabi.

Di ko alam kung paano magreply.

“Pero ready na ako. Nakakaawa na talaga sya. Anlalaki na ng mga sugat sa likod. Kita na ang spine,” dagdag na text nya.

“Antay na lang tayo sa tamang oras,” tanging nasagot ko sa kanya.

Kaninang alas nueve ng umaga, nagtext ang Fiona ng: “Wala na si Moda.”

Continue reading Moda

Call for Applications for 2019 Davao Writers Workshop

Editor's Note | July 23, 2019

The Davao Writers Guild is now accepting applications to the 2019 Davao Writers Workshop to be held in November 2019.

Fifteen (15) fellowships are available, five (5) of which will be given to writers from outside Davao City but limited to residents living in Mindanao.

Applications are for the following genres: short fiction, poetry, essay, and play. They may be in English, Tagalog, or Binisaya. Entries should either contain 2 short stories (1,000 to 5,000 words), or 2 essays (1,000 to 5,000 words), or 2 one-act plays, or 5 poems.

Entries must be the applicants’ original works and should have not been accepted to another writers workshop or included in a creative writing thesis. Applicants should be a resident of Davao City or any part of Mindanao. Applicants should not have been an alumnus of previous Davao Writers Workshops or a fellow to any of the national writers workshops. Accepted fellows will be given free board and lodging for the duration of the workshop.

Applicants are to:

1) Fill out the Application Form.

2) Secure a signed Certification Form.

3) Secure the electronic copy (.doc, .docx, or .rtf file) of the manuscript.

Manuscripts should have a 1.5 spacing (not applicable for poetry entries), and a one-inch margin on all sides. The page number should be typed consecutively at the center of the bottom margin of each page (i.e, 1 of x, 2 of x). The font should be Arial, Times New Roman, or Book Antiqua. The font size should be 12. Kindly include all entries in one document, and name your document as “[LASTNAME]_[GENRE]_Manuscript_2019DWW”. The author’s name should not appear on the manuscript.

4) Send your manuscript and signed certification form to
davaowritersworkshop@gmail.com with the subject “DWW2019 Submission”.

Kindly use only one email address in the application process.

Only one application for each genre is allowed. Applicants may choose to submit multiple entries to different genres. Applicants with multiple entries must submit an application form for each genre.

Deadline for submission is on September 15, 2019. For inquiries, please send a message to davaowritersworkshop@gmail.com.

The 2019 Davao Writers Workshop is organized in cooperation with the University of the Philippines Mindanao.

Pag-amin

Poetry by | July 14, 2019

Kung katahimikan ang nangungusap
sa iyo, buong-buong katahimikan,
ano ang naririnig ng mga butáng na nakahinto
na pumipintig mula sa kaniyang mga labi?
Walang salita ang bisperas ng nagwawalang buwan
kahit ito ay kakainin
ng Minokawa,
kahit nagmamartsa ang mga aninipot
sa hangin at naghahalo
ang kanilang sulô
ay walang salita ang maririnig
mula sa kaniya na umuupo
sa umuugod-ugod na salumpo.
Walang salita ang maririnig
sa kumukunot niyang labi
kahit sasapit ang pagbukas
ng pista ng mga santo
na hihimok sa kaniyang kaluluwa na manalangin
para maligtas sa kalayo
at walang hanggang pagdusa.
Ngunit, kay sakit isipin dahil sakit ang nagpapatikom sa kaniyang
mga labi. Banayad na hangin
ang tanging dumadapya
mula sa nakatutok na bentilador,
at isang radyo na gumagaralgal. Binabalot siya
ng kumot ng hapis habang nakatanday
ang kaniyang ulo sa unan
ng luha at hikbi.
Kahit ang paligid walang kaimik-imik, tanging
mata ang umiikot sa bubungan
at sawaling dingding.
Naaalala kong muli ang bána
niya noong daliri na lang
ang bumubulong habang
nakaratay sa higaan. Walang tinig kahit minokawa at osuang
ang kukuha sa kaniya.

Anong pulos nitong nasasaksihan
kong pagkaratay na inuulit
ng panahon sa mga tagpong
walang natutuhan.
Bawat pagbukas ng mga mata
tuwing umaga ay bumabanaag ito.
Habang ang matandang nilalang
ay bumabalik sa kaniyang kabataan,
namamaluktot ang katawan,
hindi gaano naaaninag ang paligid
na parang sanggol sa sinapupunan,
habang tumitiklop ang mga tuhod
ay umaamin, nagsasaksi
ito sa kaniyang sariling nagawa, kung bakit
hindi niya pinakilala ang tunay kong ama.
Tungod doon, nilamon ako
ng huklubang kahihiyan
na parang tutuldukan ko na lang
ang aking búkas. Kayâ para akong tabako
na nauupos sa kirot ngayon, humuhulagpos
na rin ang lakás.


Adrian Pete Pregonir is a Senior High School student from South Cotabato. His works appeared in the Cotabato Literary Journal, Liwayway Magazine, and Pundok Katitikan. He is a fellow for at during the Davao Writers Workshop 2018.

Sa Balay ni Fatima

Fiction by | July 14, 2019

Nakamata si Fatima tungod sa salibo nga misulod sa iyang kwarto. Dili pa gyud unta siya mubangon kay lami pa matulog og balik. “Panuway man ning ulana oy!” gisapot nga naghuna-huna si Fatima dungan sa pag sirado sa basa na nga bintana. Nagbukot kini og balik sa iyahang habol ug gitandayan ang duha ka unlan hangtod nga nitikongkong na kini ug taman tungod sa katugnaw. Day-off niya karong adlawa ug wala siya’y ubang plano kun dili matulog kay gikapoy siya sa iyang duty sa milabayng gabii.

Usa ka nurse si Fatima apan dili gyud kini ang iyang gusto nga trabaho kaniadto. Bentaha daw kung nurse kay maka-abroad pagkahuman ug eskwela; butang nga makatabang sa ilang tumang kalisod. Ug tungod kay mahal mu-eskwela ug nursing sa Davao, nangita sila ug barato nga tunghaan. Hantod naabot sila sa Marawi City sa diin full scholar siya hangtod nga maka-gradwar.

Continue reading Sa Balay ni Fatima

Pagkahuman

Poetry by | July 7, 2019

Human sa paglumpag, human sa mga bubog sa bildo nga sama sa mga nawaning bituon: ikaw ang akong Kataposan, ikaw ang kinaunhang takna sa kinabuhing wala nay orasan, ikaw ang karsada tali sa mga dakbayang wala nay gapuyo; ang ngalan sa kon unsa may mahulog gikan sa mga panganod kay dili na ulan, kon dili Ikaw: tangkugo sa magul-anong undo nga bangason, himno sa pinulongang wala nay gagamit, nag-inusarang suga sa panggabiing bangka sa kabaybayonan—unsaon ko pagdawat nga ang matag pulong mao imong ngalan?


F Alex San Juan writes poetry and prose from—-and is currently on self-exile in—-northeastern Mindanao.

Kung papaanong hindi natatapos ang byahe ng dyip—

Poetry by | July 7, 2019

Babasahin ko pa ang galaw ng katawan ng namamasada.
Ang ikinikirot ng manibela: isang ikot nalang, isang ikot nalang.
Kung sa hindi mabilang na mga pagbaybay sa kalagitnaan
ng lungsod, uubo ng tatlong beses ang drayber malapit
sa flyover sa R. Castillo at maghihintay na namang
matuyo ang pawis sa likod kapag nasa kasuluk-sulukan
na ng Bago Gallera. Kung papaanong hindi ko matunton
ang mapa sa loob ng aking mga diwa, hindi ko pa masagot
sa buwang ito. Baka sa Nobyembre o kaya sa susunod pang taon,
kung sa paglimot sa mga mata mo, mga pisnging
hinahanap ang mga ngiti mo sa labi, mga pagpahinga
ng ulo sa kamay mo tuwing lilingon kang nakaupo sa malayo,
baka mahanap ko na ang sarili ko. Kung gayong hindi ko
masukat ang kahabaan ng Roxas, ang paliku-likong katawan
ng McArthur, ang kurbang mukha ng Marfori, bubulong nalang
ako sa hangin, susulyap sa walang katapusang pag-ikot ng
mga gulong, pipiliting makaalala kung saan ang destinasyon ko.
Kung gayong hindi pa kita mahanap, hindi pa ako bababa.


Nagtuturo sa Ateneo at tumutula-tula si Ian.

Dabaw (Dalagang Kabaw)

Poetry by | July 7, 2019

Ako usa ka dalagang kabaw
Nag sige’g barog biskan dili adlaw
Sa Tionko nangitag ilimnon nga matin-aw
Makuhuran lamang ang gibating pagkauhaw

Ako usa ka dalagang kabaw
Sa nagpundong lapok nakigsawsaw
Aron malikayan ang mga nagtabing langaw
Ug matabunan ang mga isturyang naglatagaw

Busa ako usa ra ka dalagang kabaw
Sama sa uban, dali ra mabaligya sa langyaw


Marianne Hazzale J. Bullos, 18, is from General Santos City and an alumna of Philippine Science High School-SOCCSKSARGEN Region campus. She is a student during weekdays, a master crammer on weekends, and an eagle for lifetime.