Fat Man and Drying Pond

Poetry by | March 10, 2019

Mercy for our gasping gills-
We’re disowned by the rain, In vain
Fat man,
     Sprinkle some love into our mucked fins
     Just a little lick of liquid life

Our younglings dried for the flies
And our scales turn opaque –
As we are baked in mud we commune in death

Mercy for our gasping gills
Strike the broken ground for spring to flow,
In puddles of death, free us.
The sky has cursed our ponds to dry
     Please don’t curse us too
If you will take our forms for food
     We’re glad to offer you
Just let us breathe
     In water clean
          For an hour or two,


Poor fish,
Meshed in blackening pond weeds,
     I cannot take you as my food,
     Your septic flesh is searing now
          I’ll be dead before I chew
          Your sick fins chucked some stinky muck onto my lips
               Your brood lay drying closing to dying
          As I held you in the under the sun.
               Your jady color disappears

But fish,
I tell you this –
More cursed than you know.
This heaping fat is sucking dry my heart and inner core
I’ve not shown love,
Not even to my own,
I’ve been to hopeless wars
          And did my time
               Burying bodies during storms.

Old Church

Poetry by | March 10, 2019

You were never demolished-
Your posts are planted deep into this heart-
Immovable-
Foundation as thick as Puma Punku blocks.

I bring you with me like a burning birthmark persistent
In solitude and desolations-
I seek for your strong doors.
Your smell of dark fragrant moss and earth alive-
Like flowers of your grounds of rest and frolic and peace
Twisting on your iron gates.

Your trees I took them they stand like royal guards
Listening to countless pastor screams and prayer.

Humming melodies of John and Charles up until dark.
We were your little children always singing in the middle of services, saying bible verses like
Matthew 5 verse 5 “blessed are the meek for they shall inherit the earth”.

We ate your hosts and drank your juice behind your lighted cruciform.

As I take my verses in other churches
Your bells still toll
Even when I pass by your new face I still feel your ghost-
Your hallowed hall where the bats sleep,
The nests of birds you keep,
All are holy on your ceiling,
Holy on the wood wormed pews

And elders, they’re like embers burning,
I kept them in.
Their shadowy smiles linger on –
Old Church!
I seek for you in the darkest night falls –
I longed for you in my rest
Let me rest in the afternoons where the light enfolds you


Gerald Castillo Galindez is the winner of the 2017 Cotabato Province Poetry Contest. A graduate from the University of Southern Mindanao in Kabacan, North Cotabato, and currently teaches at the Senior High School Department of Notre Dame of Tacurong College, Sultan Kudarat. He is a fellow for Poetry in the 2018 Davao Writers Workshop.

Busaw

Poetry by | February 24, 2019

Naisip mo noong isda kang
ipinalit sa nawalang
ipinagbuntis na kapatid. Ayon sa iyong ina,
pag-ahon niya sa ilog naramdaman
ang pagkawala. Walang
bangkay sa lamay ngunit inaliw pa rin nila
ang mga sarili ng mga bugtong
upang walang talukap na bumagsak,
matiyak lamang na hindi tuluyang
makuha ng busaw ang nawala.

Ayon sa matatandang Tboli, isda ang kapalit
sa kinuha. Walang iniwan,
ayon sa iyong ina. Ilang taon pa
ang lumipas nang ikaw naman
ang dinadala. Hindi ka niya
hinele tungkol sa busaw nang hindi lumaki
sa kasamaan. Itinatago niya sa loob
ng tirahan ang hagdan pagdilim
nang hindi maakyat ng inaasahan.
Lumaki kang mulat
sa takot na walang katiyakan
ang anyo at nagugunita lamang
ng mga salita.

Sa salita nagiging tao ang mga isda,
iyong natutuhan malaon.

Malaon, nagdalaga ka
at nagdalantao. Isang takipsilim
nang nagtupok ka sa tabi ng puntod
ng kapatid na walang pangalan.
Ayon sa iyo, pagtayo mo naramdaman
ang pagkawala. Busaw, ikaw.
Tonem?
ang iyong ina. Là,
olow mungol ngawóyen.
Laen luluken?
Walang isda.
Mayroon lamang lansa.


M.J. Cagumbay Tumamac is a writer and reading advocate from southern Mindanao.

Balak na Maikling Dokumentaryo tungkol sa Isang Binatilyo sa Badjao Village

Poetry by | February 16, 2019

ayon na rin kay Jade Mark Capiñanes sa sanaysay na “Abal”

Sisimulan natin sa katotohanan na pangkaraniwan
sa iyo ang lalim ng Dagat Celebes. Mula nang isilang,
iyo nang karugtong ang buwan at araw na nagsasalítang
umaho’t sumisid. Babanggitin natin ang estadistikang
nasisid ng isang katulad mong Sama ang limampung dipa.
Ipapakita kang inaabot lamang ng dalawang mata
ang pababang araw. (Iyong unang talâ: hindi magalugad
ang tinataguan ng buwan at araw sa loob ng dagat
at di madalumat ang pagkakaiba ng lalim at lawak.)

Tutunog ang bangkang hindi sa ama mo at mangingibabaw
ang kaniyang tinig, “Malalaking barko ang aming kaagaw.”
At uuwi siyang dala ang nahuling apat na tulingan.
Daratnan ka niya at ang iyong inang nalunod sa iyak
ng siyam na batang ang dalawang suso ay nais malasap.
Isadula natin ang isang gunita: Pasko sa siyudad
at nanlilimos ka kasama ang ina at bunsong kapatid.
(Pangalawang talâ: may antig ang lamlam sa titig ng paslit
kaya kailangan na ang iyong ina ay laging magbuntis.)

Magpapanggap tayong hinahagilap mo ang baryang hinagis
ng kasama naming magpapanggap namang turistang naakit
sa aya ng lumang restoran na dáting ika’y tinangkilik;
ánitó, lalalang ang tanaw ng dagat ng mga gunita’t
ipapanatag mo, ang táong may hasang, ang pagkabalisang
baka hindi ka na muli pang lumutang. Katulad ng isda
sa isang akwaryum, pangamba at aliw ang iyong halaga.
Aabangan namin sa rabaw ng tubig ang iyong hininga’t
magpapalakpakan sa iyong pag-ahon na hawak ang barya.

Lulusong kang muli upang makakalap ng mga biyaya
gaya ng mamukuk, tayum, at iba pang ipinantadhanang
maipaalala ang danas ng pait sa natuyong dila.
Papakinggan natin ang isang eskolar: dagat din ang lungsod
para sa lahi mo—kinakalap lamang ang mga kaloob
na iniluluwa ng bato sa taob, ng kotse sa katok.
(Pangatlo mong talâ: saklap ang katumbas ng ilap at alat—
humaharurot lang ang mga sasakya’t madulas ang igat.)
Aahon ka ngayong may asim ang tiyan at pakla ang búkas.

Babalikan natin ang dokumentaryo ng isang banyagang
tinunton ang lahat ng suson at sulok ng dagat at lupa
sa layong masukat ang dulo ng hangi’t hininga sa bagà.
Ganito ang tagpong natunghayan niya sa pusod ng dagat:
sa linaw ng bughaw at bigat ng tubig, mayroong liwanag
para sa sumisid na si Santarawing nakadaop-palad.
(Pang-apat na talâ: hindi kailangan ng mga patunay
paano sinunog ang iyong katawan ng init ng araw
at ang iyong buhok ay pinusyaw nito at naging bulawan.)

Iikot ka ngayon sa pamayanan mo upang mapatibay
ang katotohanang wala na sa dagat ang lahat ng bahay.
(Panghulí mong talâ: hindi mo matukoy ang ilang pangalan
ng búhay sa dagat gamit ang wika mong nalimot ng dila.)
Hahantong kang muli sa ulo ng dagat at dulo ng lupa,
hindi malulula sa lumalabo mong mundong dambuhala.
Ating wawakasan na gagambalain ng iyong pagsisid
ang daloy ng dagat. Habang nasa ilalim, kami’y nakatitig,
maririnig lamang ang iyong hiningang bubula sa tubig.


M.J. Cagumbay Tumamac is a writer and reading advocate from southern Mindanao. An earlier version of Balak na Maikling Dokumentaryo tungkol sa Isang Binatilyo sa Badjao Village was awarded second prize in Talaang Ginto in 2017. It was also published in an independently published zine titled Sbu, Maitum, Dadiangas.

To My Bereaved Beloved

Poetry by | February 10, 2019

I want my body to be cremated.
Weigh my ashes as against my flesh.
The difference would be of my soul’s.

Much of my leaving soul is water
from each of my cells after the long years of lingering
edema. Much of my soul would be water

gushing like geysers above my earthen remains
in the form of vapor trying to escape
from every crevice of the cold kiln.

And my soul would become clouds.
Find me in the sky, a tiny turtle in the sea
swimming among the flock of flying fish.

Later at night, it would rain
seawater from the sky.
Bathe in my soul.

Dance with me in the rain while all of my soul
would trail every inch of your tender skin
sealing with moist kisses the wounds you left hidden.

And in the morning, while still drenched
reach for the urn and mold my ashes into a rock
to be thrown into that stream at the back of our house.

A plop would signal the happy reunion of my remains,
and my soul, while freely flowing, would await another skyward journey
To reappear up above as a tiny turtle in the sea.

And we shall dance together again.


Paul Randy P. Gumanao hails from Kidapawan City and teaches Chemistry at Philippine Science High School-SOCCSKSARGEN Region Campus. He was a fellow for poetry at the 2009 Davao Writers Workshop and the 2010 IYAS Creative Writing Workshop. He is currently finishing his MS in Chemistry from the Ateneo de Davao University.

Pangarap ni Fahed

Poetry by | December 23, 2018

Salaysay sa akin ni Inay
Nasa sinapupunan pa lamang ako
May digmaan nang sumiklab sa Gaza.
At nang pumasok ako sa Madrasah
Natigil naman itong pansamantala
Dahil binomba pati ang aming eskwela.
Kahit na noong minsang nakipaglaro ako
Sa kalsada kasama sina Bashaar at Saleh
Nagsasalitan ang aming mga sigaw
Sa nakabibinging putukan ng mga baril.
Napakalalim ng sugat sa mukha ng galak
Pagkat sa lupa sindak ang namumulaklak.
Sa bayan walang nakakikilala
Nang dalisay na pagmamahal
Pagkat ang laging nakakasalamuha
Sa palibot ay ang matinding poot.
Mapusyaw ang kulay ng bukas
Pagkat ang usok ng pulbura’y
Ulap na humahabong sa papawirin.
Ngunit may pakpak ang aking pangarap
Matulin naming liliparin ni Buraq
Ang paraisong bukal ng karunungan,
Isang masigasig na pakikipagsapalaran
Na tanging layunin ay sunsunin
Ang kapayapaang kaytagal nang naglaho
Kasabay ng aming mga awit, tula at kuwento,
Mga pamanang itinatangi ng buong lahi.

Agosto 9, 2014


Si Edgar Bacong ay awtor ng Habagat at Niyebe, isang kalipunan ng mga tulang Filipino at Cebuano na nilathala ng Tuluyang Pinoy Zurich at Mindanews noong 2005. Ilan sa kanyang mga akda ay mababasa sa mga antolohiyang Ani ng Cultural Center of the Philippines, Obverse 2 ng Pinoypoets at The Best of Dagmay 2007 to 2009. Si G. Bacong ay tubong Dabaw at nakapagtapos ng Bachelor of Arts in Sociology sa Ateneo de Davao University. Dahil sa pag-ibig ay nilisan niya ang bayang kinalakhan at kasalukuyang naninirahan sa Zurich, Switzerland.

Badya

Poetry by | December 23, 2018

Sa halip na ulan, dugo ang ipinandilig
Sa nagbabagang daan at mga palayan
Pagbungad ng Abril sa Kidapawan.

Sa halip na bigas, bala ang itinugon
Ng mapanupil na mga sundalo’t goon
Sa mga magsasakang nagugutom.

Sa halip na kapayapaan, dahas ang itinanim
Ng mga awtoridad sa mga puso’t damdamin
Ng mga mamamayang kahirapa’y idinaing.

Sa halip na buhay, kamatayan ang iginawad
Ng gobyernong ang pagsisilbi ay huwad
Sa mga tagahatid ng pagkain sa ating hapag.

Nang bumungad ang nakapapasong Abril
At patuloy na nabibitak ang mga bukirin
Nagbabadya ito ng masamang pangitain—

LAKAS AT SANDATA’Y LIKUMIN!


Si Edgar Bacong ay awtor ng Habagat at Niyebe, isang kalipunan ng mga tulang Filipino at Cebuano na nilathala ng Tuluyang Pinoy Zurich at Mindanews noong 2005. Ilan sa kanyang mga akda ay mababasa sa mga antolohiyang Ani ng Cultural Center of the Philippines, Obverse 2 ng Pinoypoets at The Best of Dagmay 2007 to 2009. Si G. Bacong ay tubong Dabaw at nakapagtapos ng Bachelor of Arts in Sociology sa Ateneo de Davao University. Dahil sa pag-ibig ay nilisan niya ang bayang kinalakhan at kasalukuyang naninirahan sa Zurich, Switzerland.

Cuba: Sa Mata Ng Isang Turista

Poetry by | December 23, 2018

Ipinagbunyi ko ang tagumpay ng rebolusyon
na natamo ni Che sa lalawigan ng Sta. Clara
at nadatna’y masiglang sayawan sa Mejunje.

Inamoy ko ang samyo ng rebolusyon
sa sakahan ng mga guajiro sa Vinales
at nalanghap ay maaskad na tabako.

Hiniging ko ang awit ng rebolusyon
sa mga kalye’t parke ng Cienfuegos
at nakisaliw ang babaeng namalimos.

Kinalugdan ko ang rilag ng rebolusyon
sa kolonyal na bayan ng Trinidad
at humarang ang kabulaanan sa daan.

Hinangaan ko ang diwa ng rebolusyon
na kasinlinis ng dagat ng Varadero
at hinimlaya’y inaanay na edipisyo.

Dinalaw ko ang pangako ng rebolusyon
sa malawak na Plaza de la Revolucion
at binusalan bawat kataga ng pagpuna.

At nang lasapin ko ang bunga ng rebolusyon
sa mga hapag ng paladar ng Habana Vieja
binusog ako ng ‘sang pinggang katotohanan.

Marso 3, 2015
Zurich, Switzerland


Si Edgar Bacong ay awtor ng Habagat at Niyebe, isang kalipunan ng mga tulang Filipino at Cebuano na nilathala ng Tuluyang Pinoy Zurich at Mindanews noong 2005. Ilan sa kanyang mga akda ay mababasa sa mga antolohiyang Ani ng Cultural Center of the Philippines, Obverse 2 ng Pinoypoets at The Best of Dagmay 2007 to 2009. Si G. Bacong ay tubong Dabaw at nakapagtapos ng Bachelor of Arts in Sociology sa Ateneo de Davao University. Dahil sa pag-ibig ay nilisan niya ang bayang kinalakhan at kasalukuyang naninirahan sa Zurich, Switzerland.