Pakikiraan

Poetry by | September 16, 2007

Paano kaya kita kakausapin

Nang walang sinasabi

Walang hinihingi

Walang minumungkahi
At walang dinaramdam
Nais kong maging maingat
Sa aking pagdaan
Manabi-tabi, ituring kang
Isang ilang na lugar
Tahimik na susubayin
At buong galang na iiwanan
Hahayo nang walang galit
Walang gustong nakawin
At walang ni anong dadalhin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *