Banana Cue

Poetry by | August 26, 2007

Kanina pa kumukulo ang tiyan niya
Ngunit walang pumapansin sa kanya.
Napakadungis ng kanyang mukha’t katawan—
Sindungis ng saplot na basahan.

Isang ale ang naawa,
Inabuluyan siya ng isang piso.
Tumakbo siya sa nagtitinda ng banana cue.
“Makakakain na ako!” aniya sa sarili.
May ngiting gumuhit sa payat niyang pisngi.

Kinaumagahan, nakitang nakabulagta
Ang batang palaboy—
Namatay sa gutom dahil
Ang halaga ng banana cue
Ay limang piso na!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *